-- Advertisements --

Isasara muna pansamantala ang ilang kalsada sa Intramuros Manila ngayong Marso 18, 2024.

Ito ang naging abiso sa publiko ng Intramuros Administration hinggil sa isasagawang konstruksyon patungkol sa road expansion project ng Department of Transportation (DOTr).

Kabilang sa nasabing isasarang kalsada ay ang kahabaan ng General Luna St at Sta. Clara St sa Intramuros.

Paliwanag ng pamunuan ng Intramuros, ang nasabing konstruksyon ay bahagi raw ng expansion ng active transportation project ng Department of Transportation (DOTr) sa loob ng intramuros.

Bukod dito ay plano rin maglagay ng bike lane at pedestrian walkways para sa PWDs at four public utility vehicle stops upang maging maayos ang daloy ng trapiko.

Kung maalala noong Marso 2023 pa inumpisahan ng DOTr ang nasabing proyekto.