-- Advertisements --
Kinumpirma ng Israeli Army na kanilang napatay ang mga anak ng isa sa mga lider ng Hamas.
Ayon kay Israeli army spokesperson Daniel Hagari , na nagsagawa sila ng tatlong military operations gamit ang kanilang fighter jets.
Natamaan sa kanilang missile strike ang mga sasakyan kung saan nakasakay ang tatlong anak at mga apo ng lider na si Ismail Haniyeh.
Si Haniyeh ay panandaliang nagsibli bilang prime minister ng Palestinian Authority.
Itinalaga siya bilang political bureau ng Hamas mula pa noong 2017.
Nangangamba ang US na mas lalong titindi pa ang sigalot ng Hamas at Israel dahil sa insidente kung saan maaring makaapekto sa isinusulong nilang usaping pangkapayapaan.