-- Advertisements --
Nananatiling bukas ang maraming institusyon na magpa-utang sa Pilipinas, sa kabila ng lumobong loans, mula pa nang magsimula ang COVID-19 pandemic.
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Gov. Benjamin Diokno, nagtitiwala ang mga ito sa kakayahan ng Pilipinas na magbayad, batay sa magandang record ng ating bansa.
Pero tiniyak ng opisyal na dumadaan sa masusing pag-aaral ang bawat pagpasok ng gobyerno sa nasabing loans.
Sa kasalukuyan, mayroong outstanding loan ang bansa na ₱10.99 trillion, at nitong Abril ay lumalabas na ang ₱3.17 trillion dito ay nagmula sa ibang mga bansa.