-- Advertisements --
Inalmahan ng grupo ng mga senior citizens sa pagharang ng ilang mga employer na payagan silang makapagtrabaho.
Sinabi ni Jorge Banal Sr. pangulo ng Federation of the Senior Citizens Association of the Philippines-National Capital Region na kahit na ang edad 65 ay produktibo pa sa trabaho.
Isa umanong pagdidiskriminate sa kanila kung hindi sila papayagang makapagtrabaho.
Nauna ng sinabi ni Socioeconomic Planning Sec. Arsenio Balisacan na kaniyang sinusuportahan ang panukalang tanggalin ang mandatory retirement age sa bansa.
Paliwanag naman ni Employer Confederation of the Philippines (ECOP) President Sergio Ortiz Luis na dapat ay bigyan din ng pagkakataon ang mga bagong graduate at hayaan ang mga kumpanya na mamili ng kanilang mga empleyado.