Nagpahayag ng pangamba ngayon ang ilang grupo ng mga journalists hinggil sa ginawang pagbili ni Elon Musk sa Twitter.
Ito ay dahil sa palagay nila ay makakasira sa media freedom ang ginawang pagbili ni Musk sa Twitter.
Paliwanag ng International Federation of Journalists and the European Federation of Journalists, ang ginawa raw kasi na ito ni Musk ay maglalagay ng labis na kapangyarihan sa kanyang mga kamay na maaari namang makapinsala sa mga pagsusumikap ng marami na pigilan ang paglaganap bullying at disinformation sa naturang online media.
Ayon kay IFJ general secretary Anthony Bellanger, extension daw kasi ng mga journalists office ang Twitter dahil bukod sa dito aniya naghahanap ng mga mapagkukunang impormasyon ang at dito rin daw nila itinataguyod ang kanilang mga trabaho at ideya.
Anila, sa ilalim daw kasi ng pamamahala ni Musk ay posibleng mapunta sa maling direksyon ang Twitter sa pamamagitan ng exacerbating ng mga oportunidad na atakehin ang mga mamamahayag at pagbantaan ang mga ito.
Samantala, magugunita na una nang sinabi ni Musk na layunin niyang palawakin ang sistema ng verification ng mga Twitter users kung saan ay maaaring mabawasan ang mga hindi kilalang pang-aabuso sa platform, ngunit magdaragdag ng takot sa mga mahihinang grupo na mas gustong panatilihing lihim ang kanilang mga pagkakakilanlan.