-- Advertisements --
image 364

Umapela ng ilang grupo para sa pagpapalaya sa mga kababaihang political prisoners lalo na ang mga mag-sakit at matatanda na.

Nagtipun-tipon ang ilang grupo sa labas ng tanggapan ng Department of Justice sa Maynila para maihayag ang kanilang panawagan.

Sa isang statement na naka-address kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, sinabi ng mga ito na nasa 162 mula sa 819 political prisoners ay karamihan mahihirap na kababaihan mula sa rural at indigenous communities na inakusahan ng krimen na hindi naman nila ginawa at hindi makatarungang nagdudusa sa kulungan.

Ilan din aniya sa mga ito ay matatanda na, may-sakit o mayroong special needs.

Ginawa ng grupo ang nasabing panawagan kasabay ng pag-obserba ng National Women’s month.

Kabilang sa mga signatories sa nasabing apela ay sina Gabriela deputy secretary general Cora Agovida, Zenaida Soriano ng Defend Peasant Women, Citizens Rights Watch Network convenor Ruth Manglalan, Kakay Tolentino ng BAI Indigenous Women’s Network, Tanggol Bayi convenor Maria Sol Taule, Joan Edren ng Free Our Sisters-Southern Tagalog, at Altermidya chairperson Raymund Villanueva.