-- Advertisements --
Francisco Tiu Laurel Jr

Magtitipun-tipon ang iba’t ibang grupo na binubuo ng mga magsasaka, mangingisda, at food security advocates sa harapan ng Department of Agriculture (DA) central office sa Quezon City ngayong Lunes, Nob. 6, para iprotesta ang pagtatalaga sa fishing tycoon na si Francisco Tiu-Laurel Jr. bilang bagong kalihim ng ahensya.

Ang mga grupong kasama sa magpoprotesta ay ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), AMIHAN, grupo ng mga mangingisda na Pamalakaya, at UMA.

Sa isang statement, sinabi ng grupo na maraming red flags sa pagtatalaga kay Laurel bilang kalihim ng DA.

Una, isa aniya itong tycoon mula sa global food conglomerate, ikalawa, kilalang campaign donor si Laurel na nag-ambag ng P50 million sa kampaniya nokn ni PBBM at ikatlo, nauugnay ito sa maraming self-serving economoc agenda at hindi din aniya sila kumbinsido na divested na ito sa lahat ng kaniyang mga negosyo at korporasyon.

Daing pa ng nasabing mga grupo na nababahala sila na isulong ng bagong kalihim ang liberalisasyon ng domestic food production at agrikultura.

Giit pa ng grupo na hindi dapat na ginagawang pampulitikang pabor ang posisyon na DA Secretary na ibinigay lamang sa isang malaking negosyante sa agri-fisheries.

Ang naturang posisyon aniya ay mahalaga sa panahong ito ng walang hanggang food inflation at pagpapahirap sa mga magsasaka at mangingisda

Matatandaan na noong Nobiyembre a-3, bumaba si Pangulong Marcos bilang kalihim ng DA at hinirang si Laurel bilang pinuno ng DA. Ayon sa Pangulo bunsod ng malaking kadalubhasaan ni Laurel sa fiahing business kumpiyansa siyang nakahanap na siya ng taong nakakaunawa sa sektor ng agrikultura.