-- Advertisements --
Kinontra ng grupo ng mga magsasaka ang hakbang ng gobyerno na mag-import ng 440,000 metric tons ng asukal para umano matiyak na may sapat na suplay ang bansa at mapababa ang presyo nito.
Ayon kay Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) chairperson Ariel Casilao na ang nasabing importasyon ay magpapahirap sa mga local sugar industry.
Pinangangambahan nilang babagsak ang industriya ng asukal dahil sa nagpapatuloy ang milling season ngayon.
Nagtataka rin sila sa hakbang na ito ng gobyerno dahil sa mayroong sapat aniya na suplay ang bansa para sa local consumption.
Mareresolba lamang ang problema sa kakulangan ng suplay ng asukal kung pondohan ng gobyerno ang modernisasyon ng mga sugar mills.