-- Advertisements --

LA UNION – Aminado ang isang Pinay sa Hong Kong na ilan sa mga kababayang nagta-trabaho doon ang nawalan ng hanap-buhay dahil sa nagpapatuloy pa rin na kilos protesta ng mga sibilyan.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Marites Palma, ilang employer ang napilitang i-terminate ang kontrata ng mga foreign workers para makatakas sa lumalang sitwasyon ng rehiyon.

Hindi na rin daw kasi nagiging patas ang mga aktibista dahil dinadamay ng mga ito ang mga walang kinalaman sa kaguluhan, gaya ng transportasyon at pagsira sa mga pamilihan.

Sa ngayon napayuhan na raw ng kanilang hanay ang kapwa Filipino workers na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy para hindi madamay sa kilos protesta ng mga residente sa Hong Kong.