-- Advertisements --

Kinondina ng mga foreign ministers ng Group of 7 countries ang ginagawang pagbabawal ng Taliban sa mga kababaihan na pumasok sa mga unibersidad.

Itinuturing nila na ang hakbang na ito ng Taliban ay isang paglabag sa karapatan ng mga tao.

Nanawagan na rin sila na dapat repasuhin ng Taliban nasabing ipinatupad nilang batas.

Magugunitang ipinatupad ng Taliban ang pagbabawal sa mga kababaihan na mag-aral sa mga unibersidad.

Mula ng hawakan ng Taliban ang pamumuno sa Afghanistan ay nangako ang mga ito na luwagan ang batas na ipapatupad sa mga kababaihan.

Nagdulot naman ng magkabilaang kilos protesta sa Afghanistan ang ipinapatupad na batas na ito ng Taliban kung saan maging ang mga lalaking mag-aaral ay nag-walkout sa kanilang unibersidad bilang pagpapakita ng suporta sa mga kababaihan.