-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi naitago ni Dra Angie Yap ang kanyang takot matapos isa-isang nalalagas ang kanyang mga dating kasamahan sa ospital nang itong ma-deploy sa Metro Manila.

Base sa kwento ni Dra Yap, naging kabilang siya sa aktibong miyembro ng mga doktor mula sa Private Hospital Association of the Philippines at aabot na sa sampung mga kasamahan nito ang namatay matapos naging front liners at nakigpaglaban sa COVID-19.

Aniya, matapos siyang ma-transfer sa probinsya ng Bukidnon bilang isang internist at cardiologist at miyembro ng core group ng finance committee ng Bukidnon Medical Society, nakuha pa niyang makipag-ugnayan sa mga namatay nitong mga colleages at isa na rito si Dr. Mary Grace Lim.

Inamin ni Yap na hindi pa handa ang Pilipinas para makigpag giyera sa mga delikadong virus.

Ito ay dahil kahit umaapaw sa mga eksperto ang bansa ay kulang pa rin ito ng medical equipment kagaya ng ventilators gamit pang dialisis na siyang makakapaghaba ng buhay ng isang may sakit.