Inilabas na ng Buckingham Palace ang ilang detalye sa libing ni Prince Philip sa darating na Abril 17.
Kabilang dito ang nakatadang Maglalakad sa gilid ng kabaong ng kanilang ama sina Prince Charles, Andrew, Edward at Princes Anne.
Makakasama rin nila ang mga apo na sina Prince William at Prince Harry na maglalakad katabi ng kabaong na nakalagay sa modified na Land Rover sa St. George’s Chapel sa Windsor.
Limitado lamang sa 30 ang naimbitahang bisita kabilang ang tatlong kamag-anak nila mula sa Germany.
Nakasuot sila ng morning coats with medals o day dress at hindi sila magsusuot ng military unifiorm.
Mahigpit din ipapatupad ang pagsusuot ng face mask at social distancing.
Ayon sa Buckingham Palace, nahihirapan si Queen Elizabeth na mamili ng mga bisita na papupuntahin sa libing dahil nais nito na papuntahin ang 800 mga strong congregation at nais din nito ang lahat ng kamag-anak ng asawa nito ay dadalo.
Ipinag-utos din ng Reyna na walang magsusuot ng mga military uniform.
Magugunitang pumanaw si Prince Philip noong Abril 9 sa edad na 99.










