Sa kabila nang sunod sunod na pagbaba ng lebel ng tubig sa mga Dam sa bansa, nananatili pa ring suspendido ang water service interruption ng Maynilad.
Suspendedo ito sa ilang bahagi ng Caloocan, Malabon, Manila, Navotas, Quezon City, at Valenzuela.
Sa pinakahuling datos ng Hydrometeorology Division, paunti-unti nang bumababa ang lebel ng tubig sa 198.12 meters sa Angat dam matapos itong mabawasan ng 16 na sentimetro.
Gayundin ang Ipo dam na nabawasan din ng bahagya na sa ngayon ay nasa 100.06 meters na.
Bukod pa rito, naiulat ding bumaba ang lebel ng tubig sa La Mesa dam, Ambuklao, at Caliraya Dam.
Paalala ng Maynilad sa publiko, makiisa sa pagtitipid ng tubig dahil sa patuloy pa ring nararanasan na matinding tag-init na nagiging dahilan sa pagbaba ng lebel ng tubig sa mga dam.