-- Advertisements --

Nanawagan ang ilang consumer groups ng mabilisang pagpasa ng mga mambabatas ng panukalanga batas na nag-aamyenda ng anti-agricultural smuggling law.

Ayon sa Malayang Konsumer spokesperson Atty. Simoun Salinas na kanilang sinusuportahan ang Senate Bill 1688 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act.

Ang nasabing panukalang batas aniya ay makakatulong para sa mga patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa.

Magugunitang nitong Enero ay inihain ni Senator JV Ejercito ang Senate Bill 1688 na ikinokonsiderang economic sabotage ang mga hoarding at profiteering ganun din ang cartels sa mga asukal, mais, poultry, bawang , sibuyas at ilang mga meat products.