-- Advertisements --
Hinarang ng Inter Agency Council on Traffic (I-ACT) ang mga overloading na bus sa ilang bahagi ng Metro Manila.
Umabot sa pitong bus ang sinita na lumabag sa batas hinggil sa overloading.
Ang mga bus ay galing sa PITX at patungo sa Northern Metro Manila.
Napag-alaman ng mga enforcer ng I-ACT na nagsasakay ng mga pasahero ang ilan sa mga bus, kahit nasa labas ng terminal.
Isa sa mga bus na nahuli ng I-ACT ay nasa 47 ang sakay na dapat ay 13 lamang sa kapasidad nito, alinsunod sa proper distancing na itinatakda ng IATF.