Gulat ang mga namimili ng bulaklak dahil apat na ulit na mas mahal ngayon ang rosas kumpara sa karaniwang araw.
Mula sa P150 sa normal na araw, mabibili na ito sa halagang P700.
Ayon kay Dolly Bertis, nagtitinda ng bulaklak, ganito talaga ang nangyayari taon-taon kapag malapit na ang Valentines day.
Isa raw sa naging dahilan ng mataas na bentahan ng bulaklak ang hirap sa pagbyahe dahil sa travel restrictions, pati na ang frost na tumama sa ilang taniman ng bulaklak noong mga nakaraang araw dahil sa malamig na panahon.
Maliban sa rosas, tumaas din ang presyo ng Malaysian mumps, carnation at star gazer.
Ang sunflower ay nanatili naman ang presyo sa P50 hanggang P70 ang bawat isa
Inamin naman ng mga nagtitinda ng bulakalak sa Dangwa na mas dumami ngayon ang online orders nila, dahil marami ang hindi pa rin gaanong lumalabas ng bahay dahil sa COVID-19 pandemic.