-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Patuloy ang panawagan sa gobyerno ng mga biktima ng lindol sa Mindanao dahil hindi pa rin daw nakakarating ang pangakong tulong sa kanila.
Batay sa ulat, ilang internally displaced persons ang nagsuntukan nang mag-agawan sa trapal at pagkain, kahit pinagbawalan na silang mamalimos sa gitna ng mga kalsada.
Bukod dito, hindi pa rin umano nakakatanggap ng relief goods ang ilan barangay sa Makilala at Tulunan, North Cotabato.
May naiulat din umano na mga magnanakaw sa North Cotabato na nanamantala sa mga bahay na inabandona matapos patumbahin ng lindol.
Habang naging istilo ng iba na ibenta ng mas mahal ang kanilang natanggap na relief goods sa mga kapwa biktima ng trahedya.