DAVAO CITY – Nakaranas ng matinding pagbaha ang Tubalan sa lungsod ng Malita, Davao Occidental matapos bumuhos ang malakas napag-ulan sa nasabing lugar kahapon ng hapon.
Agad naman nagsagawa nga rescue operation ang Municipal Disaster Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at iba pang ahensiya sa nasabing lugar matapos na maraming bahay ang pinasok ng tubig baha.
Una nang inihayag ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na ang nararanasan na mga pag-ulan ay dulot ng trough of typhoon Nyatoh na nakaapekto sa ilang bahagi ng Mindanao.
Samantalang agad naman na minomonitor ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng lungsod ng Davao ang mga ilog at pinaalalahanan ang mga nasa landslide at low lying areas na manatiling alerto.
Bagaman nakaranas ng mga pagbaha ang ilang bahagi ng Calinan nitong lungsod at halos umabot rin sa orange level ang tubig sa Davao River lalo na sa Bankerohan ngunit agad naman itong bumaba at hindi nagdulot ng epekto sa mga residente sa lugar.