-- Advertisements --
PBBM SONA

Nagsuspinde na ng kaniya-kaniyang operasyon ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno nang dahil pa rin sa paghagupit ng Bagyong Karding sa bansa.

Kasundo na rin ito ng pag-apruba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa suspensyon sa mga klase at trabaho sa ilang bahagi ng Pilipinas sa gitna ng pananalasa ng nasabing bagyo.

Ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay nag-abiso na rin sa publiko sa pamamagitan ng isang advisory na magsususpindi ito ng operasyon ngayong araw alinsunod na rin sa naging anunsyo ng pangulo ukol dito dahilan kung bakit pansamantala munang isasara sa publiko ang PhilPass plus ngayong araw.

Pansamantala ring magsasara ang main office at maraming branch ng Social Security System (SSS) sa buong Luzon ngayong araw kabilang na ang mga branch nito sa National Capital Region, Regions I, II, III, V, Cordillera Administrative Region, Calabarzon, at Mimaropa.

Ngunit nilinaw naman ng pamunuan nito na bagama’t magsasara ang ilan sa kanilang tanggapan ay mananatili naman anilang bukas ang kanilang online channels kabilang na ang kanilang official website at mobile applications.

Samantala, sa bukod naman na memorandum ay binigyang-diin ni Interior Secretary Benhur Abalos na bagamat naglabas na ang Office of the President of the Philippines ng abisong nagsususpinde sa operasyon ng mga ahensya ng gobyerno at klase sa mga pampublikong paaralan ay nilinaw nito na magpapatuloy pa rin sa kani-kanilang tungkulin ang mga ahensya ng pamahalaan na ang pangunahing trabaho ay ang maghatid ng basic at health services sa ating mga kababayang apektado ng nasabing bagyo.

Kung maaalala, una nang inirekomenda ng National Disasyer Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa gobyerno sa National Capital Region at sa Regions I, II, III, Calabarzon, Mimaropa at Cordillera Administrative Region maging sa Region V para bukas.