-- Advertisements --
Sinimulan nang ipatupad ng mga kompaniya ng langis ang kanilang panibagong taas-presyo ng kanilang produkto.
Halos magkakasabay nitong alas-6:00 ng umaga nang magsimula ang mga oil firms na magtaas ng kanilang presyo.
Mayroong P0.40 ang itinaas sa kada litro ng gasolina habang mayroong P0.35 sa kada litro ng diesel.
Ang kerosene naman ay nagtaas ng P0.15 sa kada litro.
Ito na aniya ang pangatlong beses na linggo na nagtaas ang mga kompaniya ng langis ng presyo ng kanilang mga produkto.