-- Advertisements --

Bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na magbigay ng mabilis na hustisya, pinasinayaan ngayon ng mga opisyal ng ating pamahalaan ang Balanga City Justice Zone sa probinsiya ng Bataan.

Pinangunahan nina Supreme Court (SC) Chief Justice Alexander Gesmundo, Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año at Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang launching sa The Bunker sa capitol compound ng Balanga City.

Ito na ang ika-walong justice zone sa bansa na nakadisenyong ma-eliminate ang red tape at ang delay sa administration ng justice.

Ang naturang justice zone ay kasunod ng inilunsad ding justice zone sa kasagsagan ng pandemic sa Calamba City, Laguna na binuksan noong Huwebes.

Kabilang din sa programa ng Justice Sector Coordinating Council (JSCC) ang justice zones na matatagpuan sa Quezon City, Cebu City, Davao City, Angeles City, Bacolod City at Naga City.

Sinabi ni Chief Justice Alexander Gesmundo na dahil umano sa mga aral na nakuha sa pandemic, ang Korte Suprema ay patuloy na pinapaganda ang digitization campaign.

Ang JSCC ay isang mekanismo para sa komunikasyon, kooperasyon at koordinasyon ng DOJ, DILG at Supreme Court sa mga stakeholders na nananatiling nagpapatupad ng institutional independence.