NAGA CITY – Opisyal na binuksan sa Lungsod ng Naga ang ika anim na City Justice Zone sa bansa.

Kasama sa bisita sa naturang aktibidad sina Chief Justice Lucas Bersamin, Thomas Weirsingn ng Charge de affairs ng European Union to The Philippines, Justice Sec. Menardo Guevarra, at Interior Sec. Eduardo M. Año.

Sa pagharap ni Naga City Mayor Nelson Legacion sa mga kagawad ng media, sinabi nitong ang justice zone sa Naga ang pinakaunang tanggapan nito sa Bicol.

Layunin aniya nito na magbigay ng solusyon sa mga problemang kinakaharap ng mga local justice sectors at administrasyon sa rehiyon.

Sa pagtitipon, nagkaroon ng photo session, ribbon cutting at signing of wall commitment ang mga guest of honor.