-- Advertisements --

Naaresto ng mga otoridad ang ika-limang suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa nitong araw ng Sabado.

Sa pinagsanib na puwersa ng PNP at AFP ay naaresto si Osmodo Rivero sa operasyon na ginanap sa Bayawan City.

Si Rivero ay dating sundalo sa Zamboanga City bago naging taxi driver.

Sa kasalukuyan ay apat na ang suspek na naaresto na kinilalang sina Joric Labrador, Joven Aber, Benjie Rodriguez at si Rivero habang hindi naman nakikilala ang napatay na suspek na nanlaban sa mga otoridad habang ito ay inaaresto.

Sinabi ni Col. Gerard Ace Pelare ang tagapagasalita ng Central Visayas PNP na naniniwala sila na mayroong 10 mga suspek ang nasa likod ng insidente.