Kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo Manalo na ang ikaapat na Pilipinong nasawi sa nagpapatuloy na giyera sa Israel ay isang caregiver sa isang komunidad sa katimugan ng Israel na matinding nakakaranas ng pambobomba.
Isa rin ito sa 3 Pilipino na nawawala sa war-torn country subalit hindi naman kinumpirma ng mga awtoridad kung ito ay binihag at pinatay ng militanteng grupo.
Ayon pa sa DFA official ang labi ng isa sa 4 na Pilipinong namatay sa goyera ay iuuwi sa bansa ng kaniyang maybahay sa Nobiyembre habang sa 2 Pilipinong nasawi naman na una ng nakumpirma ay iuuwi ang kanilang mga labi sa susunod na lingo pabalik dito sa PH.
Hindi na binanggit pa ni Manalo ang detalye sa nasawing Pinay bilang paggalang sa kahilingin ng pamilya. Nangako naman ang pamahalaan na magbibigay ng buong suporta at tulong sa naulilang pamilya ng nasawing Pinay.
Sa kasalukuyan, wala pang detalye kaugnay sa 2 Pilipino na kasalukuyan pa ring nawawala subalit sinabi ni USec. De Vega na isa sa kanila ay isang Israeli passport holder at naturalized citizen na kung kayat ito marahil ang dahilan kung bakit hindi pa nagbibigay ng impormsyon ang Israeli authorites kaugnay sa nawawalang indibidwal.
Samantala, nasa 78 hanggang 80 Pilipino naman na sa Rafah Crossing ang nagaantay pa na magbukas ang border at para makatawid patungong Egypt upang makabalik na dito sa bansa.
Sa kabuuan, pumapalo na sa mahigit 4,000 katao sa Israel at Gaza ang namatay matapos na maglunsad ng sorpresang pag-atake ang militanteng Hamas sa Israel noong Oktubre 7.