-- Advertisements --
ISRAEL FLIGHTS

Nakatakdang umuwi sa Pilipinas ang ikaapat na batch ng mga Pilipino mula sa Israel bago matapos ang buwan ng Oktubre.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo De Vega, tinatayang dumating sa bansa ang mga Pilipinong nakabase at naiipit ngayon sa nagpapatuloy na giyera sa Israel sa Oktubre 29 o sa Oktubre 30.

Una ng sinabi ng DFA official na aabot sa 20 Pilipino pa ang susunod na batch na mapapauwi sa bansa mula sa war-torn country.

Sa kasalukuyan, mayroon ng kabuuang 59 na Pilipino ang na-repatriate mula sa Israel.

Samantala, nasa libu-libong katao na ang nasawi kabilang ang 4 na Pilipino simula ng umatake sa estado ng Israel ang militanteng Hamas mula sa Gaza strip noong Oktubre 7.