-- Advertisements --

Idineploy sa Muntinlupa City ang ikalawang batch ng Korean volunteer-teachers para mapahusay pa ang child development sa siyudad.

Malugod na tinanggap ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon ang 10 bagong Korean volunteers mula sa iba’t ibang larangan, kabilang na mula sa edukasyon, media and arts, advertising at sanitation engineering.

Ayon sa alkalde nakahanda na ang mga ito na makipagtulungan sa mga guro at empleyado ng childhood development centers (CDC) at matuto din mula sa ating komunidad.

Ang naturang programa ay bahagi ng partnership sa pagitan ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa, Korea International Cooperation Agency at Philippine National Volunteer Service Coordinating Agency.