-- Advertisements --
Chel Diokno

Inihain ng grupo ng mga human rights lawyer na pinangunahan ni Atty. Chel Diokno ang ika-12 petisyon laban sa Anti Terror Act of 2020.

Kasama rin sa mga naghain ng petisyon sina dating Rep. Erin Tanada, Atty. Kit Belmonte at Rappler CEO Maria Ressa.

Naghain ang mga ito ng petition for certiorari and prohibition.

Una rito, personal na nagtungo sa SC ang mga complainant sa ika-10 petisyon laban sa Anti Terror Law.

Noong Sabado nangn naghain sa pamamagitan ng electronic filing ang grupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN).

Nakapaloob sa petisyon ang hirit na maglabas ang SC ng temporary restraining order (TRO) para pansamantalang ipatigil ang pagpapatupad sa RA 11479 o Anti Terror Act of 2020.

Petitioners naman sa kaso ang iba pang miyembro ng Makabayan bloc sa Kamara maging si dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Judy Taguiwalo.

Kasabay nito, nagsagawa din ng rally sa harap ng SC ang grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) at ilan pang kaalyadong grupo para ipanawagan ang pagbasura sa Anti-Terror Act

Physical filed na rin ang ika-11 petitioner sa kaso na kinabibilangan nina dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio at dating Ombudsman Conchita Carpio Morales.