Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Aurora Cruz-Ignacio bilang bagong presidente at Chief Executive Officer (CEO) ng Social Security System (SSS).

Nitong March 28 nang pirmahan ni Pangulong Duterte ang kanyang appointment paper.

Siya ang uupo sa nabakanteng posisyon ni Emmanuel Dooc na nagbitiw sa puwesto noong March 6 taong kasalukuyan.

Kung maaalala, binigyan ni Dooc ng pagkakataon si Pangulong Duterte na makapili ng mamuno sa SSS, kasunod na rin ng pagpasa ng batas na nag-aamyenda sa kanilang charter.

Si Ignacio ay Assistant Secretary ng Office of the President at itinalagang “focal person” o taong tututok sa pagtanggap ng mga tanong at paglilinaw kaugnay sa mga isyu ng anti-illegal drugs campaign ng administrasyon.