(Update0 CENTRAL MINDANAO – Pananakot lamang umano ang motibo sa iniwang bomba sa gilid ng kalsada sa probinsya ng Maguindanao.

Natagpuan ang bomba na gawa sa improvised explosive devise (IED) sa gilid ng hational highway sa Brgy. Kabengi, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.

Dinepyos naman ng mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal Unit ang narekober na bomba.

Sinasabing kulang umano ang wirings ng IED at hindi nakakonekta sa main charge ng bomba kaya wala itong kakayahang sumabog.

Mahigit ding isang oras na isinara ang national highway para masiguro ang seguridad ng mga sibilyan at mga dumaraan.