-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nasa kustodiya na ngayon ng mga otoridad ang isa umanong IED expert at bomb maker matapos na sumuko sa mga militar.

Kinilala ni 34IB Commander Lietenant Colonel Edgardo Vilchez Jr ang sumuko na si Tong Ayob Bubpalig alyas Kumander Tong na isang kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa ilalim nga karialan faction.

Kasamang isinuko ni Dubpalig ang isang caliber , 50 barret rifle at isang IED.

Ayon kay Vilchez, si alyas kumander Tong ay tauhan ni kumander Mando Mamalumpong.

Kung maalala si Commander Mamalumpong ay napaslang sa inilunsad na military operation sa bayan ng Midsayap noong 2019.

-- Advertisement --