-- Advertisements --

Patuloy na bumababa ang utilization rate para sa intensive care units (ICU) sa mga ospital sa Metro Manila habang patuloy ang paglalagay ng mas marami pang kama para sa mga COVID-19 patients na nangangailangan ng critical care.

Ayon kay treatment czar at Health Undersecretary Leopoldo Vega, ang overall healthcare utilization sa Metro Manila ay nasa low risk na category na 50 hanggang 51 percent.

Pero ang figure na ito ay mas mataas kung ikokonsidera ang ICU occupancy sa buong rehiyon.

Sa San Juan, Pasay at Makati City kasi aniya ay nasa 66 percent pa rin ang ICU occupancy rate, na nasa critical risk position pa rin.

Nabatid na hanggang noong Abril 18, ang ICU utilization sa Metro Manila, na kinukonsidera bilang epicenter ng outbreak sa bansa, ay nasa 84 percent, base sa datos mula sa Department of Health (DOH).

Ayon kay Vega, ang ICU utilization sa national capital region ay bumaba na matapos na ginawang critical beds ng ilang mga ospital ang kanilang isolation beds.