Idineklara ngayon ng St. Lukes Medical Center ang “full capacity” para sa kanilang critical beds sa COVID-19 cases sa emergency room.
Ito ay kahit pa aniya dinoble na ang kanilang kapasidad para sana mas maraming COVID-19 cases ang kanilang ma-accomodate.
Sinabi rin ng pamunuan ng ospital na puno na rin sa ngayon ang kanilang COVID-19 wards sa Quezon City at Global City sa Taguig.
“Several patients for admission are now lined up in the Emergency Room,” bahagi ng public advisory na inilabas ng St. Lukes Medical Center sa kanilang Facebook account.
Maging ang kanilang intensive care units para sa COVID-19 patients para sa dalawang ospital ay puno na rin sa ngayon.
Dahil dito, hinihimok nila ang mga COVID_19 patients, kabilang na ang suspect at probable cases, na pansamantalang sa ibang healthcare facilities muna magpagamot.
Nabatid na hanggang noong Hulyo 19, pumalo na sa 67,456 ang COVID-19 cases, 22,465 ang recoveries at 1,831 naman ang fatalities.