-- Advertisements --
UNHRC

Umaasa pa rin ang Iceland na makikipagtulungan ang Pilipinas sa imbestigasyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa umano’y extra judicial killings (EJK) sa bansa sa ilalim ng Duterte administration.

Inihayag ng Icelandic Ministry for Foreign Affairs na buo pa rin ang tiwala ng kanilang mga opisyal na makikipag-ugnayan ang Pilipinas sa kanilang resolusyon para imbestigahan ang umano’y mga patayan sa bansa.

Iginiit ng Iceland na mahalaga ang international law at multi-lateral system kasabay ng pangako nito na tugunan ang isyu ukol sa karapatang pantao.

Bilang bago raw na miyembro ng council noong nakaraang taon, ipinangako ng mga ito na tutugunan ang human rights concerns ng bansa “objectively.”

Siniguro rin nilang magiging “non-politicized” at “non selective” ang kanilang isasagawang imbestigasyon.

Kung maalala 18 bansang kasali sa UNHRC ang pumabor sa Iceland resolution na imbestigahan ang kampanya kontra droga sa Pilipinas.

“Icelandic authorities sincerely hope that the Philippine authorities will engage the UN on this and the resolution. For a small and peaceful country like Iceland, international law and the multilateral system is our sword, shield and shelter. Therefore, when Iceland became a new member of the Council last year, Iceland pledged to address human rights concerns objectively and, on their merits, in a non-politicized, non-selective manner,” ayon sa Iceland Ministry for Foreign Affairs.

Una na ring binatikos ni Pangulong Duterte ang Iceland na aniya’y walang alam sa problema sa droga sa Pilipinas.