Tuluyan nang tinanggal ng mga prosecutor ng International Criminal Court (ICC) ang mahigit 250 item mula sa listahan ng mga ebidensiya.
Ang mga naturang ebidensiya ay nakatakda sanang iharap kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay sa dokumentong inihain ng panel noong October 12, 2026, binago ng mga prosecutor ang kanilang evidence list at tuluyang inorganisa ang mga nalalabing materials sa pitong kategorya.
Ito ay para sa mas malinaw na presentasyon ng ebidensiya at matukoy kung saang mga item ang gagamitin sa nalalapit na proceedings.
Posible ring aabot pa ng hanggang 7,000 items ang matatanggal kung papabor ang defense team sa ilang stipulations o tatanggapin ang ilang ‘proposed agreed facts’ ng prosecution panel mula sa nakahanay na mga ebidensiya.
Nakatakdang magsimula ang trial laban kay FPRRD sa huling bahagi ng Nobiyembre 2026. Ito ay 20 buwan mula nooong siya ay maaresto sa Pilipinas, Marso ng taong 2025.













