-- Advertisements --

Naglabas na ng arrest warrants ang International Criminal Court (ICC) sa mga top Russian commanders dahil sa war crimes sa Ukraine.

Pinapaaresto si Army lieutenant general Sergei Kobylash at navy admiral Viktor Sokolov.

Ito na ang pangalawang warrants na inilabas para sa mga Russian officials na may kinalaman sa giyera sa Ukraine.

Noong una ay inilabas ang arrest warrants kina Russian President Vladimir Putin at ilang opisyal nito.

Ayon sa ICC na ang dalawang pinakahuling warrant ay dahil sa reasonable ground na ang dalawa ay responsable sa missile stirkes na kagagawan ng mga forces sa ilalim ng kanilang command.

Nangyari umano ang krimen sa pagitan ng Oktubre 2022 at Marso 2023.