-- Advertisements --

Patuloy pa ring pinag-aaralan ng National Center for Legal Aid ng Integrated Bar of the Philippines (NCLA-IBP) ang kaso ni Peter Joemel Advincula na lumantad at umaming siya si “Bikoy”.

Magugunitang ang video ni “Bikoy” ay nag-viral matapos na akusahan ang mga kaanak ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot ang mga ito sa iligal na droga.

Ayon kay IBP President Atty. Abdiel Dan Fajardo, na dadaan muna sa mga pagsusuri si Advincula bago nila itong tanggapin bilang kliyente.

Titignan nila kung may merito at may sapat na ebidensiya si Advincula para mabigyan ng legal assistance mula sa mga pribadong abogado.

Nauna rito lumantad si Advincula at humingi ng tulong sa IBP matapos ang viral video na may titulong “Ang Totoong Narco List”.