Nakalatag na ang ibat- ibang anyo ng pabahay para sa pilipino program ng administrasyong Marcos hanggang 2028.
Ayon sa Office of the Press Secretary, kabilang sa mga features ng pabahay program ng Marcos administration ang in-city resettlement gayundin ang high-density/vertical housing.
Pati ang mga lugar na maaaring mapagtayuan ng housing project ng pamahalaan ay napaghandaan na at sa katunayan, hinihintay na.lamang ang pag- iisyu ng executive order hinggil dito.
Ito partikular ang pagpapatupad sa section 24 ng Republic Act No. 11201 na magpapahintulot na gamitin na ang mga government land sa proyektong pabahay na matagal ng hindi naman nagagamit.
Kasama rin sa magiging kabahagi at susuporta sa pabahay para sa pilipino program ng administrasyon ang government financial institutions at mga pribadong banko na magkakaloob ng development loans at end-user financing.