-- Advertisements --
forex

BUTUAN CITY – Dumulog sa himpilan ng Bombo Radyo Butuan ang pitong miyembro ng FRX Rice Trading o Forex Trading kasama na ang dalawa nilang mga sub-leaders upang ireklamo ang kawalan na nila ng pag-asang maibalik pa sa kanila ang na-pay in na pera.

Ayon sa mga biktima, wala silang natanggap mula sa kabuuang P170,000 na-pay in nitong Hunyo 7 na kanilang ibinigay sa kanilang lider na si Vanessa Tudio na siya namang naghatid nito sa kanilang founder na si Dimber Celis sa main office sa Bayugan City, lalawigan ng Agusan del Sur.

Kasama sa mga dumulog nitong himpilan ang isang buntis na negosyanteng hindi pa nakapag-pay out mula sa P67,000 na kanya sanang gagamitin para sa painless na panganganak.

Ayon sa negosyanteng si alyas Judith, una siyang naka-invest ng P3,000 at dahil naka-pay out man sa kanyang na-invest ay dinagdagan niya ito ng P67,000 na hanggang ngayo’y hindi pa naibalik kahit man lang ang pangakong 30 porsiyentong interest nito kada buwan.

Dahil sa kanyang karanasan, naisipan niyang papangalanan na lamang umano niya ang kanyang anak ng Forex Scam.