-- Advertisements --

Tatalakayin pa bukas ng IATF ang bagong quarantine status sa bansa hanggang sa katapusan ng Pebrero, at kung handa na ba ang National Capital Region (NCR) na mailagay sa ilalim ng Alert Level 1, ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.

Ayon kay Año, didipende pa sa presentation ng Technical Working Group ang magiging bagong alert level classification mula Pebrero 16 hanggang 28.


Subalit kailangan aniyang maging maingat sa posibiildad naman na ibaba sa alert level 1 ang sitwasyon sa NCR, lalo pa ngayon sa harap ng electoral campaign activities kaugnay sa May 2022 elections.

Sa ngayon, ang Metro Manila at ilang mga probinsya sa bansa ay nasa ilalim ng Alert Level 2 mula Pebrero 1 hanggang 15.

Iginiit ni Año na kapag madaliin ang paglalagay sa alert level 1 ang Metro Manila ay posibleng ma-overwhelm ulit ang healthcare utilization rate sa NCR.