-- Advertisements --
Itinuturing pa rin ng International Atomic Energy Agency (IAEA) na ang Zaporizhzhia nuclear power plant ay bahagi pa rin ng Ukraine.
Ito ay kahit na ang lugar ay sinakop na ng Russia at itinuring ni President Vladimir Putin na bahagi na ng kanilang bansa ang planta.
Sinabi ni IAEA Rafael Grossi na nakasaad sa international law na nananatili ang pasilidad sa Ukraine.
Nanawagan ito sa Russia na dapat tigilan ang pananakop nito sa Ukraine.
Nakatakda ring magtungo si Grossi sa Russia para pormal na kausapin si Putin.