bike and more
-- Advertisements --

Isinusulong ngayon sa Kamara na i-regulate ang bentahan ng bisikleta.

Bunsod ito ng pagtaas sa presyo sa mga bicycle shops, mula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Quezon City Rep. Precious Castelo, ang Department of Trade and Industry (DTI) ay may kapangyarihang marendahan ang mga abusadong negosyante ng bisikleta.

Maging ang bentahan ng maliliit na motorsiklo na sikat ngayon dahil sa limitadong public transportation bunsod ng quarantine ay pinapa-monitor din ng mambabatas.

Dapat na rin aniyang tingnan ng DTI kung may senyales na ng hoarding at price manipulation, upang maagapan ito bago pa lumala.

-- Advertisement --