-- Advertisements --
Hindi naging epektibo ang malaria drugs na Hydroxychloroquine sa paggamot sa mga COVID-19 patient.
Ito mismo ang lumabas sa pag-aaral na isinagawa ng University of Minnesota.
Base sa ginawang pag-aaral ng mga eksperto sa nasabing unibersidad na hindi nababawasan ng hydroxycholoroquiene ang sintomas habang nasa 14-day quarantine ang pasyente.
Sinabi ni Dr. Neil Schluger, ng New York Medical College, na malakas ang kanilang ebidensiya na walang benepisyo sa katawan ng pasyente ng mayroong mild symptom ang nasabing gamot.
Magugunitang isinusulong ni US President Donald Trump ang nasabing anti-malaria drug na siyang gamot aniya sa COVID-19.