-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Inaasahan nang maipapamahagi sa susunod na buwan ang hybrid rice seeds at fertilizer discount vouchers sa mga magsasaka sa Cauayan City

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Agriculturist Engineer Ricardo Alonzo, sinabi niya na kasalukuyan na ang delivery ng hybrid rice seeds para sa susunod na cropping season.

May alokasyong binhi ang Cauayan City para sa 60,000 hectares ng sakahan na paghahatian ng mga magsasaka mula sa mga irrigated areas.

Nasa dalawang ektarya naman ang maximum na alokasyon sa isang magsasaka para sa 15 kilos na binhi.

Ang mga magsasakang benepisaryo ay kailangang mIyembro ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture ( RSBSA )

Maliban sa libreng binhi ay dumating na rin ang ipapamahaging fertilizer discount voucher na nagkakahalaga ng Php 3,000.00 para sa mga benepisyaryo na nabigyan din ng hybrid rice seeds.

Kung nakatanggap ang isang farmer ng dalawang bag ng binhi ay mabibigyan din siya ng dalawang voucher

Pagsasabayin ang distribusyon ng mga ito sa buwan ng Abril upang makatulong sa mga magsasaka.