-- Advertisements --
Pinaplantsa na ng Senado ang magiging sistema ng kanilang sesyon na magbabalik na sa susunod na linggo.
Ayon kay Senate President Tito Sotto, isang hybrid system ang kanilang gagawin.
Ibig sabihin, pwedeng personal na pumunta, habang maaari ring gumamit ng teleconference ang mga hindi makakarating dahil sa nananatiling lockdown.
Maging ang mga pagdinig ay posibleng gawin na rin munang hybrid, dahil malabo pang makabyahe ang ilang resource person na kanilang ipapatawag.
Gayunman, hindi isasama sa teleconferencing ang nakapiit na si Sen. Leila de Lima.
Si De Lima ay ibinilanggo sa Cam Crame detention facility, makaraang akusahan ng partisipasyon sa ilang drug related cases, bagay na pinabulaanan naman ng lady solon.










