-- Advertisements --

Naniniwala si Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation chair Senator Imee Marcos na kailangan na ng bansa ang hybrid elections system.

Ang naturang sistema ay kombinasyon ng manual at automated elections.

Paliwanag niya, mahalaga raw ang naturang sistema para sa transparent na halalan dahil makikita ng mga botante kung ano ang mangyayari sa kanilang boto kapag inilgay na sa loob ng vote counting machie (VCM) at kapag naiproseso na ang mga boto.

Mahalaga rin daw ito para mayroong listahan na puwedeng gawing ebidensiya kapag mayroong mga election protest.

Isa raw itong paraan para magkaroon ng kumpiyansa para sa mga botante.

Kasunod na rin ito ng mga lumabas na report noong May 9 elections na mayroong mga botante na hindi tugma ang resulta ng kanilang ibinoto sa lumabas sa resibo kaya naman nagkakaroon ng isyu sa paggamit ng automated election.

Dagdag ng senador, sa mga highly developed at technical countries ay bumalik sila sa manual counting dahil wala raw conclusive actual vote count evidence sa automated elections.