Tinanggal ngayon ng Supreme Court (SC) sa kanyang puwesto ang isang huwes dahil sa paghiram nito ng cash sa mga litigants.
Sa Supreme Court, in an En Banc decision na inilabas noong February 4, 2020, idinismiss ng SC si Regional Trial Court (RTC) Judge Bonifacio M. Macabaya ng Cagayan de Oro City (CDO), Misamis Oriental RTC, Branch 20 na nangungutang ng pera sa mga litigants o mga sangkot sa mga kasong pending sa kanyang sala.
Maliban sa dismissal, hindi na rin makakatanggap ng retirement benefits ang judge dahil sa paglabag sa paragraph 7, Section 8, Rule 140 ng Rules of Court o paglabag sa New Code of Judicial Conduct.
Perpetually disqualified din ang desisyon ng kataas-taasang hukuman sa ano mang trabaho na may kaugnayan sa public service.
Nag-ugat ang dismissal ni Macabaya sa reklamo nina Leonaria Neri, Abeto Salcedo, Jr, Jocelyn Salcedo, Evangeline Camposano at Hugo Amorillo, Jr.
Inakusahan ng mga complaint na kinausap sila ng huwes sa labas ng courtroom at nanghiram ng malaking halaga ng pera habang pending pa ang kanilang mga kaso sa kanyang sala.