Nanawagan ang grupong Akbayan sa publiko na huwag muling hayaan na lumutang ang pamilya Marcos sa gitna ng mga hakbang nito na tila nililihis ang katotohanan sa mga trahedya ng rehimen ni dating pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon sa Akbayan, dapat pigilan ang mga Marcos sa patuloy umanong pagnanakaw nito sa katotohanan ng kasaysayan.
“We must not allow the Marcoses to continue to steal. We must not allow them to rob us of our truth and history,” sa isang statement.
“Marcos was a dictator. It is a fact. The torture, murder, and plunder that were all committed under Martial Law happened.”
Bukas gugunitain ika-48 taon ng paglagda ng dating pangulo sa Proclamation No. 81, na nagsailalim sa buong bansa sa Martial Law mula 1972 hanggang 1986.
Para sa Akbayan, malinaw sa mga dokumento at record ng mga krimen na naganap noong panahon ng Batas Militar ang lupit ng diktaduryang Marcos.
Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte umano ay minsan nang nagsabing mahirap ng kalimutan ang madilim na yugtong iniwan ng pamilya ng dating pangulo.
“Through the passage of the Marcos Compensation Law and the granting of reparation for the thousands of victims of Martial Law, the state officially and fully recognizes the atrocities of the Marcos years,” ayon sa Akbayan.
Para sa grupo, hindi mabubura ng mga propaganda, tulad ng social media trolls at panukalang holiday, ang katotohanan na sinira ng Marcoses ang demokrasya ng bansa.
“They need to be secured from the Marcoses and Duterte, who both attack our collective memory and seduce us with the allure of authoritarianism.”
“Huwag natin hayaan na patuloy tayo pagnakawan ni Marcos. Huwag natin pahintulutan na nakawin nila ang ating katotohanan at kasaysayan.”