Muling nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko na huwag agad-agad maniniwala sa mga kumakalat na ‘fake news’ lalo na sa social media.
Kasunod ito nang pagkalat umano ng mga video na may ilang mga guro mula sa Sultan Kudarat ang nilalagyan na ng shade ang mga balota kahit na ipinagbabawal ito sa batas.
Ayon kay Garcia, sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na pormal na ulat hinggil sa mga nasabing masamang gawain.
Bagama’t may ilang video at larawan nga na kumakalat hinggil dito ay sinabi ng commissioner na kinakailangan muna itong sumailalim sa verification ng komisyon.
Aniya, mas mabuti kung sa pagboto na lamang itutuon ng mga botante ang kanilang pansin sa halip na magpaniwala pa ang mga ito sa mga kumakalat na fake news.
Samantala, tiniyak naman ni Comelec Commissioner Rey Bulay sa publiko na mahigpit na babantayan ng komisyon ang magiging resulta ng halalan ngayong taon.