-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Hiling ngayon ng pamilya ang malalimang imbestigasyon ng mga otoridad sa pinatay na DepEd administrative assistant ng Department of Education Cotabato Division.

Una nang nakilala ang biktima na si John Rex Eremedio Daruca, 30, may asawa at residente ng Brgy Malinan, Kidapawan City.

Matatandaan na natagpuan ang bangkay ng biktima na nagtamo ng maraming tama ng bala sa gilid ng kalsada sa Purok 7, Brgy Pontavedra, Antipas, North Cotabato.

Ninakaw din ng mga suspek ang motorsiklo ng guro, kasama ang kanyang mga personal na kagamitan.

Nadestino ang biktima bilang administrative assistant sa Marciano Dahan High School sa Doroloman, Arakan, North Cotabato.

Sa ngayon hustisya ang sigaw ng pamilya, mga kamag-anak, kasama sa trabaho at mga kaibigan sa pinatay na biktima na nakaburol na sa kanyang tahanan sa Kidapawan City.