LEGAZPI CITY – Mag-iisang taon na mula nang patayin si AKO-Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe, nananatiling mailap sa naulilang pamilya nito ang pagkamit sa hustisya ng krimen.

Kasunod ito ng pagkakalaya ng sinasabing mastermind na si dating Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo nang payagan ng korte na makapag-piyansa noong Agosto.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ng panganay na anak ng kongresista na si Atty. Justin Batocabe na hanggang ngayon ay hindi nabawasan ang sakit na kanilang nararamdaman sa pagkawala ng padre de pamilya.

Kung maaalala, nasa gitna ng isang programa si Daraga noon si Batocabe na tumatakbo bilang alkalde ng bayan, nang pagbabarilin ng riding in tandem suspects.

Kasamang nasawi ng kongresista ang security escort nitong si SPO2 Orlando Diaz.

Kamakailan nang magbaba ng desisyon ang Supreme Court kung saan inilipat sa Maynila ang kaso ng Batocabe-slay case mula Legazpi City Regional Trial Court Branch 11.

Nakabinbin naman ang pagraffle ng partikular na korte na hahawak nito dahil wala pang naisusumiteng formal case records ang korte sa Legazpi na ikinainis ng nakababatang Batocabe.